Lumaktaw sa nilalaman

Mga tanong

Lahat ng kailangan mong malaman bago at habang nakikipag-chat.

Pangkalahatan

Ano ang KaTripMo?

Anonymous na random chat ng mga Pinoy. Pipili ka ng trip, at ipapares ka namin sa kapwa Pinoy na pareho ang hanap. Pwede kang makipagkwentuhan, maghanap ng tropa, o maghanap ng kilig, nang libre at hindi nagpapakilala.

Galing ang pangalan sa "Ka-Trip Mo", ang taong ka-vibe mo.

Libre ba?

Oo. Libre ang 1-on-1, Ka-Tambay, Ka-Match at ang mga laro. May Premium para sa dagdag na features gaya ng gender filter, pero hindi ito kailangan.

Kailangan ba gumawa ng account?

Hindi. Palayaw lang ang kailangan. Walang email, numero o password. Ang mga Premium lang ang may sariling username at password, na ginagawa nila pag nag-subscribe.

Saan ito gumagana?

Sa kahit anong browser sa phone, tablet, laptop o computer. Walang app na kailangang i-download. Buksan lang ang katripmo.com at magsimula.

Mga trip

Ano ang pinagkaiba ng tatlong trip?

  • Trip-Trip Lang: chill at magaan na kwentuhan, pampalipas-oras.
  • Ka-Vibe: para sa naghahanap ng tropa, ka-duo o ka-same ng hilig.
  • Ka-Puso: para sa bukas sa kilig at romantic na usapan.

Pwede ko bang palitan ang trip ko?

Oo. Pagkatapos ng chat, babalik ka sa pagpili at pwede kang pumili ng ibang trip bago maghanap ulit.

Bakit iba ang trip ng nakausap ko?

Kapag kakaunti ang online sa trip mo, minsan ipapares ka namin sa ibang trip para hindi ka maghintay nang matagal. Sasabihan ka kapag nangyari ito.

Sa loob ng chat

Anong laro ang meron?

May Pinoy Henyo, Bato-Bato-Pick, Coin Flip at Tic-Tac-Toe. Pindutin ang Games habang nag-chat at imbitahin ang kausap mo. Pareho kayong papayag bago magsimula.

Paano maglaro ng Pinoy Henyo?

Isa sa inyo ang may lihim na salita at kategorya (Hayop, Bagay, Pagkain, Tao o Lugar). Ang isa naman ay manghuhula gamit ang mga tanong na oo o hindi, sa loob ng 90 segundo.

Sasagot ang may hawak ng salita gamit ang Tama, Mali at Pwede. Sarado ang normal na chat habang naglalaro para walang makapandaya.

Paano mag-skip?

Pindutin ang Skip sa ibaba ng chat. Tatanungin ka muna para hindi aksidente. Pagkatapos, hahanap agad ng bago.

Ano yung nagta-type?

Lalabas ito kapag nagsusulat ng sagot ang kausap mo, para alam mong hintayin muna siya.

Ka-Tambay

Ano ang Ka-Tambay?

Ito ang group chat ng KaTripMo: mga kwarto kung saan sabay-sabay kayong nagkukwentuhan. Kasama ang General, Hugot/Kwentuhan, Bingo at Ask Admin.

Hanggang 50 tao bawat kwarto, at pwede kang umalis o lumipat anumang oras. Kita ng lahat ng nasa kwarto ang mga mensahe, kaya mas parang barkada GC kaysa 1-on-1.

Ano ang vote-kick?

Kapag may nanggugulo sa kwarto (spam, pambabastos, paglabag sa rules), pwedeng bumoto ang iba para alisin siya. Kapag sapat ang boto, aalisin siya at pansamantalang hindi makakapasok sa Ka-Tambay.

Sa Ka-Tambay lang ito. Hindi ito apektado sa 1-on-1 o Ka-Match. Mas tumatagal ang restriction ng paulit-ulit na nanggugulo.

Ano ang Jukebox?

Musika na sabay-sabay ninyong pinapakinggan sa kwarto. Pwedeng mag-request ng kanta mula sa YouTube, at iisang kanta ang naririnig ng lahat. May vote-skip kung ayaw ninyo ang kanta.

Tatlong request bawat araw ang libre, para patas ang pila.

Pwede ba akong gumawa ng sariling kwarto?

Oo, gamit ang Premium o credits. Pwede mong pangalanan ang sarili mong kwarto at imbitahin ang tropa mo.

Ka-Match

Ano ang Ka-Match?

Swipe-style na pagtutugma. Gagawa ka ng simpleng profile (palayaw, gender, edad, lugar, hanap mo, avatar at maikling bio), tapos mag-swipe sa profile ng iba. Kapag pareho kayong nag-like, pwede na kayong mag-chat.

Walang totoong litrato o pangalan na kailangan. Vibes at bio ang basehan, hindi itsura.

Ilang match ang pwede nang sabay?

Hanggang 10 active na match ang libre, at hanggang 20 sa Premium. Kapag puno na, mag-unmatch muna bago makipag-match ulit.

Makikita pa rin ba ako sa Ka-Match kapag nasa ibang bahagi ako ng site?

Oo. Basta active ka kahit saan sa KaTripMo, makikita pa rin ang profile mo sa swipe ng iba. Makakatanggap ka rin ng abiso kapag may bagong match o mensahe, kahit nasa ibang screen ka.

Safety

Paano mag-block?

Pindutin ang ⋮ sa itaas ng chat (1-on-1 o Ka-Match), o ang pangalan niya sa listahan ng tao (Ka-Tambay), at piliin ang Block. Hindi niya malalaman. Habang naka-block:

  • hindi na kayo magtutugma sa random chat,
  • hindi na kayo makikita ng isa't isa sa Ka-Match,
  • nakatago na ang mga mensahe ninyo sa isa't isa sa Ka-Tambay.

Paano mag-report?

Nasa parehong ⋮ menu ang Report (o sa listahan ng tao sa Ka-Tambay). Pumili ng dahilan at magdagdag ng detalye kung gusto mo. Pumupunta ang report sa admin para suriin.

Pwede mo ring i-report ang mismong mensahe: pindutin ito at piliin ang Report. Magkaka-strike lang ang nagpadala kapag napatunayang lumabag talaga siya.

Kapag may history ng report ang kausap mo, may abiso kang makikita para mag-ingat.

Paano gumagana ang moderation?

Nakabatay ito sa report. Hindi namin sinusuri ang bawat mensahe, kaya hindi nafa-flag ang normal na usapan. Ang awtomatikong hinaharang lang ay halatang advertising at spam (link, "join my group", promo), na may strike agad.

Lahat ng ibang report ay sinusuri. May strike lang kapag may totoong paglabag. Ang paulit-ulit na paglabag ay may pansamantalang ban na humahaba. Ang malala o ilegal na content ay pwedeng ma-ban agad.

Na-ban ako pero sa tingin ko mali. Ano ang gagawin ko?

Pansamantala lang ang mga ban at kusang natatanggal. Kung sa tingin mo mali (halimbawa, kapareho mo ng internet ang lumabag), i-message kami sa @KaTripMo kasama ang:

  • oras kung kailan nagsimula ang ban,
  • ginagawa mo noon (kwarto o trip),
  • kung may kasama kang gumagamit ng parehong internet.

Sinusuri namin ang apela sa loob ng isa hanggang dalawang araw.

Pwede ba ang below 18?

Hindi. 18 pataas lang ang pwede sa KaTripMo, dahil kausap mo ay mga hindi kilalang tao. Kailangang kumpirmahin ng lahat na 18+ sila bago pumasok.

Privacy

Anonymous ba talaga ako?

Oo. Palayaw at gender lang ang hinihingi. Walang email, numero o social media account.

Nase-save ba ang usapan?

Hindi. Real time lang ang mga mensahe at wala nang kopya pagkatapos ng chat. Wala kaming log ng usapan ninyo.

Paano kung bastos ang kausap ko?

Pindutin agad ang Skip. Hindi mo kailangang tapusin ang usapan. Gamitin ang Report para sa malalang paglabag, o i-message kami sa @KaTripMo.

Premium at credits

Ano ang KaTripMo Premium?

Optional na subscription na may gender filter sa Ka-Match, makikita mo kung sino ang nag-like sa iyo, sariling kwarto sa Ka-Tambay, libreng maikling megaphone, mas maraming song request, at Premium badge. Isang login lang para sa buong site.

Paano mag-Premium?

Sa loob mismo ng app. Buksan ang Premium, pumili ng plan, gumawa ng username at password, at magbayad gamit ang QR Ph (GCash, Maya o bangko). Kusang nag-a-activate ito pagkabayad. Kung makalimutan mo ang password, i-reset ito gamit ang security question mo.

Ano ang mangyayari pag nag-expire ang Premium?

Babalik ka sa libreng bersyon at magagamit mo pa rin ang lahat ng karaniwang features. Pwede kang mag-renew anumang oras, at madadagdagan lang ang account mo.

Paano gumagana ang credits?

Hiwalay ito sa Premium, bayad lang kada gamit: unskippable na kanta, megaphone, sariling kwarto at Ka-Match pass. Isang piso ay isang credit. Bibili ka sa app gamit ang QR Ph at makakatanggap ng wallet code (KTM-XXXX). Itago ito: gumagana ang parehong code sa kahit anong device.

Problema sa app

Bakit walang nagtutugma sa akin?

Baka kakaunti ang online sa trip mo ngayon. Subukan ito:

  • i-refresh ang page at subukan ulit,
  • pumili ng ibang trip (kadalasan pinakamarami sa Trip-Trip Lang),
  • bumalik sa gabi, oras ng Pilipinas, kung kailan pinakamaraming tao,
  • tingnan ang internet mo.

Hindi maayos ang pag-load ng page. Ano ang gagawin ko?

  • i-refresh ang page (hilahin pababa sa phone),
  • i-clear ang cache at cookies ng browser,
  • siguraduhing naka-on ang JavaScript,
  • subukan ang ibang browser (Chrome, Firefox o Safari),
  • tingnan ang internet mo.

Kung ganoon pa rin, i-message kami sa @KaTripMo.

Wala dito ang tanong mo?

Mag-message sa amin sa Telegram, @KaTripMo.